GAS: ISANG PAGLALAKBAY TUNGO SA TAGUMPAY
GAS: ISANG PAGLALAKBAY TUNGO SA TAGUMPAY Ang GAS o General Academic Strand ay isa sa mga strand sa Senior High School na kung saan ay ito ang kinukuha ng mga estudyante na hindi pa makapag-desisyon sa kung anong kurso ang kanilang pipiliin da kolehiyo. Kanilang pinag-aaralan ang iba't-ibang klase ng pang-dalubhasa at akademikong asignatura, upang mapag-alaman sa kanilang sarili ang mga hilig at kakayahan na maaaring angkop sa mga trabahong nanaisin at nang sa gayon ay makatulong sa kanila upang makapagdesisyon. Hindi dapat maliitin ang GAS pagkat hindi rin naman ito madali kagaya ng iba pang strand. Ang mga estudyante sa GAS tulad ko , ay may mga ginagawa na iba't-ibang proyekto,report,powerpoint presentation, mga research at mga gawaing isinusulat sa bawat asignatura. Kinakailangan na mag-kabisa ng mga seleksyon o ng mga paksa na nai-leksyon ng mga guro para sa pagsagot sa tanong na may ka...