ANG MGA TAONG NAGING PARTE NG BUHAY KO
ANG MGA TAONG NAGING PARTE NG BUHAY KO
Sa pagdaan ng maraming taon, iba't-ibang klase ng mga tao ang ating nakakasalamuha at sari-sari ring mga tao ang dumaraan sa ating buhay. Magkagayon pa man, sila ang mga taong sumubok sa ating katatagan at nagbigay-kulay sa buhay.
Sa mga taon na nakalipas, bilang lang sa daliri ang masasabing mga totoong tao. Mga taong hindi mapag-panggap, hindi mapagsamantala, at lalong-lalo na ang mga taong hindi naghahangad ng masama sa iyo. Sa dalawang taon na inilagi ko sa Senior High School, naroon ang mga ka-klase at mga kaibigan na nakapag-bigay ngiti sa mga labi, nakasama sa mga lakad at kalokohan at lalo na sa pagbabahagi ng mga kwento, hilig at mga problema. Hindi maikakaila na isa rin sila sa nakapagbigay saya sa buhay. Sa oras na dumating ang panahon na kinakailangan nang magkahiwa-hiwalay para tahakin ang daan patungo sa pagkamit ng mga pangarap,lagi na lamang maisasariwa ang mga masasaya at magung ang malulungkot na ala-ala na mayroon tayo. Nakasisiguro ako na mayroong dahilan ang maykapal kung bakit sila nakilala at kung bakit sila dumating sa buhay natin. Naniniwala ako isang malaking biyaya ang makilala at makasama ang mga taong ito, sa kahit na maiksing panahon lamang pagkat kung hindi dahil sa kanila hindi natin malalaman ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan at pati rin ang matutunan ang pagmamahal sa ating kapwa na hindi nababayaran ng anumang halaga ng salapi o kayamanan. Hindi man maiiwasan ang mga away o ang di-pagkakasundo, alalahanin lang na iyon ay pagsubok lamang. Dumating man ang panahon na kinakailangan ng maghiwa-hiwalay, lagi na lamang ipinagdarasal ang kaligtasan at ang bigyan lagi ng gabay ng Maykapal. Akam natin na dararung din ang panahon na muling magkakasama-sama sa tamang panahon at lugar, huwag lamang kakalimutan ang inyong pinagsamahan na mayroon kayo.
Masaya man o malungkot ito ay kayamanan na maituturing. Dahil dito natuto tayo aa aring mga napagdaanan. Dahil dito nabuo at napatatag ang ating pagsasamahan. Hindi naman sa lahat ng panahon ay masaya. Nagpapasalamat na lang ako na hindi niyo ako iniwan o pinabayaan. Sana kahit na magtapos tayo at mag kaniya-kaniya na ang buhay na tatahakin huwag natin kalimutan na minsan ay naging parte tayo ng buhay ng isa't-isa at nagkaroon ng masayang pagsasamahan. Hangad ko na lahat tayo ay matupad ang kung ano man ang minimithi sa buhay. At sana kahit na lumipas man ang maraming panahon,maging abla man tayo sa kaniya-kaniya ng parte ng ating Senior High School. Mga taong nagpasaya, nagpakilig,at nagpaluha sa atin. Dahil sila ay parte ng bawat pahina ng libro ng ating buhay.
Comments
Post a Comment