ANG PAGTAAS NG BILANG NG MGA NANINIGARILYO

Taon taon dumarami ang bilang ng mga kabataang nalululong sa masasamang bisyo. Isa sa mga bisyo na ito ay ang paninigarilyo . Ang paninigarilyo ay isa sa mga nakakapagdulot ng di nakakahawang sakit ngunit nakakapagdulot ng kamatayan sa maraming tao. May mga pag-aaral na nagsasabing nakakaalarma ang pagdami ng mga kabataang naninigarilyo. Napapansin ko sa mga kabataan na nakikita kong naninigarilyo na pabata ng pabata ang edad ng gumagamit nito. Halos lahat naman ng mga naninigarilyo ay nag uumpisa sa batang edad. At dahil dito, bata palang ay nakakaranas na ng mga sakit na dulot ng sigarilyo. Ngunit paano ba sila natututo ng ganitong bisyo ? Ito ba ay dahil sa impluwensya ng barkada ? Ng mga tao sa paligid nila ? Mga napapanuod sa TV ? Maaari... Dahil ang mga ito ang pangunahing dahilan kung bakit natuto ang mga kabataan na magsigarilyo. Isa na dito an kawalan ng atensyon na nabibigay ng magulang, kawalan ng disiplina at paggabay kaya may mga kabataan na nakikita ang atensyon sa mga barkada na minsan ay nag-iimpluwensya ng bisyo . O di kaya nakikita sa mga tao na miyembro ng pamilya na kanilang nagagaya,sa pag-aakalang ito ay walang epekto sa kalusugan. Pwede rin naman napapanuod sa telebisyon dahil sa mataas na kuryusidad ay kanilang sinusubukan hanggang ito ay naging bisyo nila.
Mapapansin natin ngayon ma lahat ng pakete ng sigarilyo ay may nakalagay ng litrato ng taong nagkakasakit ng dahil sa paninigarilyo,mga larawan na nag papakita kung gaano kalala ang epekto nito sa ating sarili. At sana ay maging halimbawa ito sa mga kabataan at sa mga tao na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Hanggat maaari ay iwasan na lamang ito at ituon ang atensyon sa pagsali sa mga gawaing pang komunidad o kaya naman ay ikain na lamang ng mga kendi o ng mga paboritong pagkain. Kaya kailangan suportahan natin ang mga taong may lakas ng loob na tumigil sa ganitong bisyo. Makipagtulungan tayo sa pamamagitan ng pag-suporta natin sa gobyerno sa mga proyekto nila para maiwasan ang masasamang bisyo at mabuhay ng malusog,masaya at matiwasay.
Sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Paano kung sila mismo ang sumisira ng kanilang kinabukasan dahil sa mga bisyo na kanilang kinasasangkutan. Kaya habang maaga ay magabayan sila na maiwasan ang bisyo na paninigarilyo. Dahil sa mga sangkap nito na siyang nakakapagbigay ng sakit sa ating katawan. Kahit nga sa simpleng paglanghap ng usok na galing sa sigarilyo( second hand smoking) ay maaaring makapagdulot ng mas malalang sakit sa ating baga. Karamihan sa mga tao ngayon ay hirap umiwas sa ganitong bisyo,dahil sa mga nakakasalamuha nila araw-araw nadadala sila o naiimpluwensyahan sila na gumait nito hanggang sa pati sila ay di na maiwasan na manigarilyo. Sinasabi nila na may saya na naidudulot ito sa kanila kaya di nila maiwasan gumamit. May iba ring na nagsasabi na nakakawala ito ng problema o nakakatanggal ng pagkabahala o bigat ng pakiramdam. Gumagaan ang pakiramdam nila sa bawat hithit at buga ng usok ng sigarilyo at naipapasa nila ang ganitong isipin sa mga tao na naiimpluwensyahang gumamit nito. Kaya sa panahon ngayon mas marami na ang naninigarilyo kaysa sa hindi. Kahit nga mga babae ay natututo na rin magsigarilyo . Hindi nila alintana ang mga masasamang dulot nito sa kanilang kalusugan.

Comments
Post a Comment