GAS: ISANG PAGLALAKBAY TUNGO SA TAGUMPAY

Ang GAS o General Academic Strand ay isa sa mga strand sa Senior High School na kung saan ay ito ang kinukuha ng mga estudyante na hindi pa makapag-desisyon sa kung anong kurso ang kanilang pipiliin da kolehiyo. Kanilang pinag-aaralan ang iba't-ibang klase ng pang-dalubhasa at akademikong asignatura, upang mapag-alaman sa kanilang sarili ang mga hilig at kakayahan na maaaring angkop sa mga trabahong nanaisin at nang sa gayon ay makatulong sa kanila upang makapagdesisyon.
Hindi dapat maliitin ang GAS pagkat hindi rin naman ito madali kagaya ng iba pang strand. Ang mga estudyante sa GAS tulad ko , ay may mga ginagawa na iba't-ibang proyekto,report,powerpoint presentation, mga research at mga gawaing isinusulat sa bawat asignatura. Kinakailangan na mag-kabisa ng mga seleksyon o ng mga paksa na nai-leksyon ng mga guro para sa pagsagot sa tanong na may katumbas na grado at ang pagbabalik-aralsa mga aralin para mapaghandaan ang darating na araw ng pagsusulit. Tuwing may mga programa o okasyon sa eskwelahan , ang mga seksyon sa bawat klase ay sumasali sa mga akademikong kompetisyon at sa iba't-ibang aktibidad para pandagdag kasiyahan. Pero sa bawat gawain na ibinibigay ng guro, hindi maiiwasan ang makaramdam ng kaba sa kadahilanan na nag-aalala kung magagawa at matatapos ng tama at maayos, kaya't sinisiguro na handa na ,bago paman isagawa ang mga gawain. Layunin ng mga estudyante na makompleto ang mga gawain at ang makakuha ng magandang grado, upang walang maiiwan na asignatura,bago matapos ang semestre at ang taon sa klase. Kaya naman kinakailangan ng matinding pagsisikap , nang sa gayon makapagtapos kaagad sa pag-aaral sa Senior High School.
Ang aming pagtatapos ang siyang katibayan na ang lahat ng hirap at sakripisyo na ibinigay ng aming mga magulang , upang kami ay makapag-aral ay mayroong kahihinatnan atn hindi masasayang o mababalewala at mag bunga ng tagumpay na matagal ng inaasam-asam . Pagkat aking nahihinuha na ang mga aral na natutunan ay magagamit para sa kursong mapipili sa kolehiyo at ang mga naging karanasan mo ay makakatulong upang maging wais sa mga gagawing desisyon sa isang bagay. Sa GAS,tinutulungan ang mga estudyante na mapahusay at mailabas ang mga natatagong talento,magkaroon ng malakas na kumpiyansa sa sarili at ang pakikipag-kapwa. Ang paglalakbay bilang estudyante ay hindi basta natatapos , dahil marami pang kabanata ang naghihintay na mabuksan at maisulat , ito madali pagkat mayroong mga hamon na kinakailangan suungin. Ngunit , nasisiguro ko na magiging masayang paglalakbay rin ito dahil nariyan ang mga magulang na handang gabayan ka at ang mga kaibigan na susuporta sa iyo , huwag lamang kakalimutan ang manalig sa poong maykapal nang sa gayon ay malagpasan ito lahat. Maniwala ka sa iyong sarili na ang paglalakbay tungo sa tagumpay ay iyong mapag-wawagian nang walang duda pagkat isa ka ring taong may pangarap.

Comments
Post a Comment