SIMPLENG PAALALA PARA SA SARILI SA HINAHARAP
SIMPLENG PAALAALA PARA SA SARILI SA HINAHARAP
May pagkakataon na ang ating pananalig ay nasusubok ng mga hindi inaasahang pagsubok. May pagkakataon rin na pakiramdam mo na ika'y nag-iisa sa panahon ng madidilim mong mga araw sa iyong buhay. Ngunit dapat na lagi mong alalahanin ang mga masasayang ala-ala na mayroon ka sa loob ng mahabang panahon at tandaan na ang mga hirap at pagsubok na dumaraan sa buhay ay ang siyang naghuhubog na maging mas mabuti at mas malakas na bersyon ng iyong sarili. Kung ano ka man ngayon ay utang mo iyon sa mga naging karanasan mo sa buhay at sa pagmamahal at gabay ng iyong mga magulang. Dapat mong ipagmalaki ang iyong sarili pagkat sa dinami-rami ng mga sakit na pinagdaanan mo, lahat ng iyon ay nalagpasan. Mag-tiwala lang na lahat ng iyong minimithi ay matutupad dahil sa naging mabuting tao ka rin. Kahit na ano pa man ang mangyari sa buhay, na andyan lang sa tabi mo ang iyong mga lmagulang at lalong-lalo na ang diyos pagkat hinding-hindi ka nila iiwan kahit na kailan. Ang buhay ay maiksi lamang kaya't huwag sayangin ang oras at panahon sa mga bagay na hindi naman importante, ilaan ang oras at panahon sa pamilya at sa pagtupad ng mga pangarap na walang natatapakang tao. Magpakasaya lang sa buhay huwag isipin o intindihin ang mga taong walang ginawa kung hindi ang manira at maki-alam sa buhay ng ibang tao. Laying alagaan ang sarili dahil walang iba ang mas tutulong sa iyo kung hindi ang sarili mo. Itanim sa iyong isip at puso ang mga pangaral ng iyong magulang at huwag kalimutan ang magpasalamat sa diyos sa mga biyayang natanggap, sa mahabang buhay na ibinigay at sa lahat ng bagay. Huwag kalimutan ang magdasal. Laging tandaan na kung ano man ang mga desisyon at ang mga bagay na iyong napili ay ang siyang magtatakda sa kung among kinabukasan na kakaharapin mo.
Hindi matatapos ang lahat sa pagtatapos sa pag-aaral, kung hindi ito ay pagbubukas ng bagong kabanata. Kabanata na ikaw mismo ang gagawa upang matupad ang anumang pangarap mo. Huwag mong kakalimutan kung bakit ka nagsusumikap at nagpapakaabala sa kung anong ginagawa mo. Dahil iyon ang bagay na gusto mong maabot. Iyon ang magiging gabay mo sa tamang landas na iyong pipiliing tahakin sa tulong ng diyos na mapagpala at ng mga taong sa iyo ay di-nakakalimot na tumulong at magsuporta. Mga tao na araw-araw nagpapa-alala sa'yo kung ano ang halaga mo at ang misyon mo sa buhay. Huwag mong hahayaan na manaig ang mga negatibo upang ikaw ay sumuko. Mas lalo pang pagtibayan ang pananampalataya at ang pagtitiwala sa iyong sarili, sa iyong abilidad at kapasidad na maiayos ang mga bagay-bagay na kailangan mong ayusin upang mapanatili mo ang positibong daan tungo sa iyong tagumpay. At kapag unti-unti na natutupad ang iyong mga pangarap huwag kalimutang magpasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob. Maging bukas-palad sa pagtulong sa kapwa upang maibahagi ang mga bagay na iyong natatamasa. Mating mabuting ehemplo sa ibang tao, lalo na sa mga susunod na henerasyon.

Comments
Post a Comment