ANG DI-MALILIMUTANG BUHAY BILANG ESTUDYANTE

ANG DI-MALILIMUTANG BUHAY BILANG ESTUDYANTE




             Ang Senior High School ay ang karagdagang dalawang taon sa high school upang mapagsanay at mapahusay nang husto ang mga kakayahan at abilidad na mayroon ang isang estudyante. Ang Senior High School ay hindi biro, pagkat hindi ito madali tulad ng inaasahan.
             Sa Senior High School, ikaw ay masusubok sa pakikiangkop sa bagong kapaligiran, pakikisalamuha sa mga bagong ka-eskwela at mga guro at sa kung paano ka maki-ayon sa mga pagbabago, ng mga pang-araw-araw na gawain. Hindi kagaya sa Junior High, ang mga estudyante ng Senior High School kagaya ko, ay maraming mga ginagawa na mga gawain tulad ng mga report, PowerPoint presentations, mga gawaing isinusulat at iba pa. Kaya naman ang mga estudyante ay nakakakuha ng mga bagong karanasan na maaaring magsilbing gabay balang araw, nakagagawa ng mga panibagong ala-ala na di-malilimutan at pagkakaroon ng mga bagong kaibigan sa eskwelahan. Madalas man na mabahala sa kadahilanan na marami ang mga tungkulin na dapat matapos, ay nagiging sulit naman iyon kapag makakuha ng magandang garado, bago matapos ang semestre. At sa kabila ng lahat, nasisiyahan pa rin sa mga ginagawa sapagkat nakasisiguro na ang mga paghihirap at sakripisyo ay masusuklian ng isang matamis na tagumpay. Bilang estudyante, hindi maiiwasan ang mga hamon na susubok sa katatagan, pero sa tulong at awa ng diyos, ang lahat ng iyon at nalalagpasan. Kinakailangan rin ng tiwala sa iyong sarili na lahat ay iyong makakaya. Hindi naman maikakaila na may pagkakataon na nasasabik sa naging buhay sa Junior High pero ang Senior High ay ang pinakamagandang parte sa buhay high school.
             Ang buhay na mayroon ang mga estudyante sa Senior High School ay bumubuo ng mas magandang bersyon ng pagkatao ng bawat isa at nagkakaroon ng mas malawak na mundo. Hindi maitatangi na kahit na minsan at mahirap, naging maligaya pa rin sa dalawang taon na naging buhay sa eskwelahan dahil ang lahat ng pagsusumikap na ibinuhos sa pag-aaral, ay ang mga ngiti sa labi ng mga magulang ang magiging kapalit. Nakakasigurado ako na sa or as ng pagtatapos, ang masasaya't malulungkot na ala-ala na mayroon, ay tiyak na babalik-balikan at ang mga aral na natutuhan sa mga guro ay siyang babaunin sa pag-kolehiyo. Taos pusong pasasalamat ang mararamdaman ng mga estudyante para sa kanilang guro na walang sawang umintindi at sa pagbibigay ng mahabang pasensya at pati na rin sa mga ka-klase na nakapag-bigay ligaya. Kahit na kailanman ay hindi mawawala sa mga puso't isipan ang naging buhay estudyante sa Senior High School, lagi lamang iyon nakatago hanggang sa pagtanda. Kaya't dapat na malaman ng mga estudyante na tutuntong sa Senior High School sa susunod na pasukan na hindi nila kinakailangan na mag-alala pagkat nariyan ang mga guro at ang mga ka-klase na susuporta at tutulong sa oras ng problema o ng alanganin pagkat ang buhay na mayroon sa Senior High School ang magpapatibay sa iyong kalooban para makamit ang mga minimithi mo. Dahil ang buhay Senior High School ay isang kayamanan na dapat alagaan at pagka-ingatan bang husto dahil dalawang taon lamang ang mayroon.

Comments

Popular posts from this blog

GAS: ISANG PAGLALAKBAY TUNGO SA TAGUMPAY

ANG PAGTAAS NG BILANG NG MGA NANINIGARILYO

SIMPLENG PAALALA PARA SA SARILI SA HINAHARAP